Kristoffer Martin, inaming nagka-crush siya noon kay Kathryn Bernardo

Inamin ni Kristoffer Martin na nagkaroon siya ng crush kay Kathryn Bernardo nang maging magka-loveteam sila sa “Endless Love.” Alam kaya ito ng aktres? Sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel,” sinabi ni Kristoffer na 13-anyos siya nang makilala niya si Kathryn at makatrabaho ito sa naturang Kapuso drama romance series. Nang tanungin kung […]

Kristoffer Martin, inaming nagka-crush siya noon kay Kathryn Bernardo

Kristoffer Martin, inaming nagka-crush siya noon kay Kathryn Bernardo thumbnail

Inamin ni Kristoffer Martin na nagkaroon siya ng crush kay Kathryn Bernardo nang maging magka-loveteam sila sa “Endless Love.” Alam kaya ito ng aktres?

Sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel,” sinabi ni Kristoffer na 13-anyos siya nang makilala niya si Kathryn at makatrabaho ito sa naturang Kapuso drama romance series.

Nang tanungin kung may crush siya kay Kathryn, “Opo,” ang tugon ng aktor na napapanood ngayon sa Kapuso series na “Makiling.”

“Maharot po kasi ako noong teenager ako,pero siyempre hindi ko po inamin sa kaniya,” paliwanag niya.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” episode noong Pebrero, inilahad ni Kristoffer ang hangarin niya na makasama ulit si Kathryn sa isang proyekto.

“Kath, baka naman ‘di ba? Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’ oh. Tuloy natin,” sabi ni Kristoffer.

May asawa na ngayon si Kristoffer na si AC Banzon, at may isa na silang anak na si Precious Christine.

Samantala, single naman si Kath matapos ang break-up nila ni Daniel Padilla na kinumpirma ng dalawa noong nakaraang Nobyembre.

Ipinagdiwang ni Kathryn ang kaniyang ika-28 kaarawan noong nakaraang buwan.

Kamakailan lang, sinorpresa ni Alden Richards ng bouquet at regalo si Kathryn sa ginanap na birthday party ng dalaga nitong Martes ng gabi. —Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News