Kim, may pa-mine na kay Paulo!

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon March 19, 2024 | 12:00am Super duper trending kahapon ang premiere ng local adaptation ng What’s Wrong With Secretary starring Paulo Avelino and Kim Chiu. Kahit si Kim ay nahirapan daw maka-view dahil nagbantay talaga ang fans na mag-12 midnight para makapanood kaagad  nito kahapon. “Just got […]

Kim, may pa-mine na kay Paulo!

Kim, may pa-mine na kay Paulo! thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

March 19, 2024 | 12:00am

Super duper trending kahapon ang premiere ng local adaptation ng What’s Wrong With Secretary starring Paulo Avelino and Kim Chiu.

Kahit si Kim ay nahirapan daw maka-view dahil nagbantay talaga ang fans na mag-12 midnight para makapanood kaagad  nito kahapon. “Just got a call from VIU staff. Kahit ako diko ma view ang mga episodes. Di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access at the same time ng 12midnight.  Nakakaiyak sa tuwa po.   refresh daw po ng refresh lalabas din daw po yan. thank you sa support for #WhatsWrongWithSecretaryKim #WhatsWrongWithSecretaryKimPH,” tweet ni Kim.

Sobrang swak sila ni Paulo sa character ng nasabing Korean drama na ganundin ang title na diumano’y ang original choice talaga ay si Jake Ejercito.

Sabog din ang X sa mga sagot nila sa pa-Q & A ni MJ Felipe kung saan tinanong ni Paulo si Kim ng “Hypothetical lang, kung magiging tayo, ano ang gusto mong maging tawagan natin?”

Sagot ni Kim : “Napaka-OA… ‘Mine.’ Hypothetical lang, kayo naman kung makatawa kayo.”

At pinayuhan naman ni Paulo si Kim na maging positive sa isang bagay dahil kumpleto na ang actress maliban sa isa : “Her career, siguro sa isang aspeto lang ‘yung hindi. But everything is going well with Kim. I don’t see anything wrong with Kim’s career. Siguro kailangan lang niyang maging positive.  She’s beautiful and has a beautiful career as well,” sabi ng actor sa tanong kung what’s right with Kim.