Kahit maliit… Heart, first time sumabak sa runway walk sa Paris

Nitz Miralles – Pilipino Star Ngayon March 4, 2024 | 12:00am MANILA, Philippines — Pak na pak si Heart Evangelista dahil sa Paris Fashion Week, hindi na lang siya kasama sa mga celebrity na nakaupo sa front row ng bawat fashion show at panoorin ang mga rumarampang models. Dahil sa fashion show ng Vietnamese designer […]

Kahit maliit… Heart, first time sumabak sa runway walk sa Paris

Kahit maliit... Heart, first time sumabak sa runway walk sa Paris thumbnail

Nitz Miralles – Pilipino Star Ngayon

March 4, 2024 | 12:00am

MANILA, Philippines — Pak na pak si Heart Evangelista dahil sa Paris Fashion Week, hindi na lang siya kasama sa mga celebrity na nakaupo sa front row ng bawat fashion show at panoorin ang mga rumarampang models. Dahil sa fashion show ng Vietnamese designer na si Phan Huy, isa siya sa mga model at siya ang nag-open sa show ng nasabing designer.

Nag-post siya sa kanyang Instagram Stories ng mga kaganapan sa first time niyang pagrampa sa runway at ginawa nitong biro ang kanyang height. Maliit kasi siya kumpara sa ibang models, but she did well sa kanyang first runway walk. “Mindset” ang sagot nito sa tanong kung how is she feeling na rarampa nga siya.

Sabi ni Heart, “Because who said ‘Little Miss’ can’t be on the runway? Thank you, Phan Huy, for making me open your show.” Sinundan ng “Small girls, big dreams.”

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang fans niya for another achievement sa kanilang favorite celebrity. May mga pa-shade nga ang iba sa kanila na naunahan niya si Pia Wurtzbach sa pagrampa sa runway at sa Paris Fashion Week pa.

Still on Heart, pinost nito ang writeups sa kanya kung saan, nasa news na sa front row siya nakaupo sa mga fashion show at. Sa fashion show ng Hermes, gamit ni Heart ang Hermes bag na may painting niya.

Isa pang nakatutuwa, siya lang sa mga dumalo sa Paris Fashion Week ang may fans na nakaabang sa labas ng venue at may hawak na may banner niya at photos.

Hindi pa kasama roon ang pagtawag sa kanyang pangalan kapag nakikita na siya.