Juan Karlos, nag-alala sa 2-month-old baby na isinama ng mga magulang sa isa niyang gig

Ipinakita ng singer na si Juan Karlos ang malasakit at pag-aalala sa isang sanggol na dalawang-buwang-gulang na isinama ng mga magulang nito sa isa niyang gig sa Tarlac. Sa kanilang pagtatanghal sa Paniqui Music Fest 2024 sa Tarlac, madidinig si JK na kinakausap ang mga magulang ng sanggol na umiiyak. Nag-aalala ang 23-anyos na singer […]

Juan Karlos, nag-alala sa 2-month-old baby na isinama ng mga magulang sa isa niyang gig

Juan Karlos, nag-alala sa 2-month-old baby na isinama ng mga magulang sa isa niyang gig thumbnail

Ipinakita ng singer na si Juan Karlos ang malasakit at pag-aalala sa isang sanggol na dalawang-buwang-gulang na isinama ng mga magulang nito sa isa niyang gig sa Tarlac.

Sa kanilang pagtatanghal sa Paniqui Music Fest 2024 sa Tarlac, madidinig si JK na kinakausap ang mga magulang ng sanggol na umiiyak.

Nag-aalala ang 23-anyos na singer sa posibleng maging epekto ng malakas na ingay sa lugar, bukod pa sa mga salitang hindi pambata na madidinig sa kanta niyang “Ere.”

Nag-viral ang naturang insidente sa social media, kabilang ang TikTok.

“Two months? Ba’t mo pinaparinig ng Ere ‘yung bata?” saad ni JK. “Two months pa lang. Maaga. Wag.”

Batid ng OPM singer ang pagiging sensitibo pa ng pandinig ng mga sanggol sa malalakas na ingay.

“Wala bang ear muffs si baby?,” tanong ni JK sa mga magulang ng bata.

“Umiiyak na si baby o OK lang ba iyan? Umiiyak. Kawawa naman ‘yung bata,” patuloy niya.

Paliwanag pa niya sa mga tao na sana kaniyang gig: “So ‘yung mga bata, especially mga one-year-old and below, super sensitive pa ‘yung mga tenga nila.”

Naghanap si JK ng headphone para maprotektahan ang pandinig ng sanggol.

“Sino ba meron diyang headphones or something? Headphones na ‘di naka-on, something na ganon,” ani JK sa mga tao.

Bagaman nagpapasalamat ang singer sa mga sumusuporta sa kaniya, pero pakiusap niya, unahin ang kapakanan ng mga bata.

“Maraming salamat sa suporta, pero please, alagaan n’yo si baby,” saad niya.

Kasama ang “Ere,” na may mga salitang hindi pambata, sa sa latest album ni JK na “Sad Songs and Bullshit Part 1.”— mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News