Jessy Mendiola, suportado si Luis Manzano kapag pumasok ito sa pulitika

Abril 5, 2024 10:06pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Tutol man noon, inilahad ni Jessy Mendiola na sinusuportahan na niya ngayon ang kaniyang mister na si Luis Manzano kung sakaling pasukin nito ang pulitika. Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Jessy tungkol sa plano ni Luis […]

Jessy Mendiola, suportado si Luis Manzano kapag pumasok ito sa pulitika

Jessy Mendiola, suportado si Luis Manzano kapag pumasok ito sa pulitika thumbnail

Abril 5, 2024 10:06pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Tutol man noon, inilahad ni Jessy Mendiola na sinusuportahan na niya ngayon ang kaniyang mister na si Luis Manzano kung sakaling pasukin nito ang pulitika.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Jessy tungkol sa plano ni Luis na pagpasok sa pulitika.

“I cannot answer that yet,” tugon ng aktres. “Recently kasi si Luis, he has been doing events in Lipa, kasi si Tito Ralph (Recto) is very busy so si Luis ‘yung pumupunta for him.”

Ayon pa kay Jessie, “And marami ang nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya, is he going to get into politics. And as of now I cannot answer yet.”

Ikinuwento ni Jessy na tutol siya noon sa pumasok sa pulitika si Luis.

“But siguro kung before ito, noong mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, actually sinabi ko talaga sa kaniya ‘Kapag ikaw tumakbo, hihiwalayan talaga kita.’ I know naman its for our country, it’s for the Filipinos. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz, and showbiz is a different world. And politics also is another different world. So for me, hindi ko alam kung kaya kong i-handle ‘yun,” paliwanag niya.

Gayunman, nakita ni Jessy kung paano magtrabaho ang ina ni Luis na si Vilma Santos-Recto, dating House Deputy Speaker at Batangas sixth District Representative, at asawa nitong si Ralph Recto, na ngayo’y Secretary ng Department of Finance.

“But at this point, now that I’m married to him, and also I’ve been with sina Momskie (Vilma Santos), sina Tito Ralph, and mas lalo na noong pandemic, I’ve seen kung paano ‘yung public service nila. And isa lang ang masasabi ko talaga. Grabe talaga ‘yung public servants natin,” ani Jessy.

“Of course I could only speak for my in-laws. Para sa akin si Luis. family niya ‘yun eh, and that’s part of him. I cannot deny him that, if ever man he’s gonna run, sino ba naman ako para ipagkait sa kaniya ‘yung ganu’ng parte ng buhay niya. So sinabi ko talaga sa kaniya, just in case he decided to run, ‘I will be here for you.’ In-assure ko siya,” sabi pa niya.

Unang ikinasal sina Luis at Jessy sa isang intimate civil ceremony noong 2021. At nitong nakaraang Pebrero, muling ikinasal ang dalawa sa isang intimate wedding sa Palawan.

May isa silang anak na si Isabella Rose, na binansagan din nilang Peanut.– FRJ, GMA Integrated News