Jessy Mendiola, pangarap makasama si Ate V sa pelikula: ‘Kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo’

Abril 6, 2024 7:59pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Iniyahag ni Jessy Mendiola na pangarap niyang makasama sa isang pelikula ang kaniyang biyenan na si Vilma Santos-Recto. Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ni Tito Boy si Jessy kung ano ang magpapabalik sa kaniya sa showbiz. “The right opportunity,” tugon ng aktres. […]

Jessy Mendiola, pangarap makasama si Ate V sa pelikula: ‘Kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo’

Jessy Mendiola, pangarap makasama si Ate V sa pelikula: 'Kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo' thumbnail

Abril 6, 2024 7:59pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Iniyahag ni Jessy Mendiola na pangarap niyang makasama sa isang pelikula ang kaniyang biyenan na si Vilma Santos-Recto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ni Tito Boy si Jessy kung ano ang magpapabalik sa kaniya sa showbiz.

“The right opportunity,” tugon ng aktres. “Any, actually, Tito Boy.”

Nagsuhestiyon si Tito Boy kung posibleng makasama ni Jessy sa isang pelikula si Ate V.

“‘Yun nga eh. Talagang dream ko ‘yun. Sabi ko nga kay Momski, ‘Momski, kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo, gagawin ko po talaga. Kahit pabalik-balik lang po ako, gagawin ko talaga,” biro ni Jessy.

Sinabi pa niyang pangarap na niyang makatrabaho si Ate V, hindi pa man nagiging sila noon ni Luis.

“Kasi dream ko rin talaga siyang makatrabaho, kahit noon pa. Kahit noong hindi pa kami ni Luis, actually. So sabi ko, sana may tamang opportunity din na mangyari ‘yun.”

Sa parehong panayam, sinabi ni Jessy na nakita niya rin kung paano magtrabaho si Ate V pagdating sa politika.

“But at this point, now that I’m married to him (Luis), and also I’ve been with sina Momski (Vilma Santos), sina Tito Ralph (Recto), and mas lalo na noong pandemic, I’ve seen kung paano ‘yung public service nila. And isa lang ang masasabi ko talaga. Grabe talaga ‘yung public servants natin,” saad niya.

Kung kaya kung sakaling tumakbo si Luis sa politika, susuportahan ni Jessy ang kaniyang asawa.

Unang ikinasal sina Luis at Jessy sa isang intimate civil ceremony noong 2021. At nitong nakaraang Pebrero, muling ikinasal ang dalawa sa isang intimate wedding sa Palawan.

May isa silang anak na si Isabella Rose, na binansagan din nilang Peanut. —VBL, GMA Integrated News