Hidilyn, laglag sa Paris Olympics
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon April 5, 2024 | 12:00am Magbubuhat na lang ng baby Pawang papuri at words of encouragement ang natanggap ng kaunahang-unahang Pinoy gold medalist na si Hidilyn Diaz, pagkatapos niyang mabigo na makakuha ng spot sa Paris Olympics 2024. Natalo siya ni Elreen Ando na nasa 7th place […]
SHOWBIZ GANERN! – Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon
April 5, 2024 | 12:00am
Magbubuhat na lang ng baby
Pawang papuri at words of encouragement ang natanggap ng kaunahang-unahang Pinoy gold medalist na si Hidilyn Diaz, pagkatapos niyang mabigo na makakuha ng spot sa Paris Olympics 2024.
Natalo siya ni Elreen Ando na nasa 7th place ng IWF World Cup.
Samantala si Hidilyn ay nasa 11th place lamang. Kaya si Ando ang ilalaban natin sa Paris Olympics.
Kahit hindi na-qualify si Hidilyn sa Paris Olympics, hindi nagbago ang pagtingin sa kanya ng lahat. Siya pa rin ang nanatiling nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang nagkahilig sa weightlifting.
Pero sabi raw ni Hidilyn, patuloy pa rin daw siya sa weightlifting kahit hindi na siya umabot sa Paris Olympics. Pero kailangan pa rin niyang mag-focus sa pamilya nila ni Julius Naranjo.
Kung hindi man umabot sa Paris Olympics si Hidilyn, sabi ng ilang taong malapit sa kanya, ang target daw niya ngayon ay magbuhat na ng baby.
Panahon nang magka-baby sila ng mister, dahil nakahanda na raw siyang maging Mommy Hidilyn.
Tama naman!
Kokoy, mapangahas ang ginawa
Sold-out na ang tickets sa opening film ng EnlighTEN: The IdeaFirst Film Festival na magsisimula na sa April 12 sa Gateway Cineplex 18.
Ang pelikulang Your Mother’s Son ang opening film na pinagbibidahan ni Kokoy de Santos kasama sina Sue Prado, Elora Espano, at Miggy Jimenez.
Expected na naming maso-sold out dahil nung bago pa lang mag-Semana Santa ay nasilip na namin ang bentahan ng tickets, at paubos na ito.
Nai-text nga sa amin ni Direk Perci Intalan na sold-out na ang tickets, kaya namomroblema na raw sila sa invited guests nila kung may maibibigay pa ba silang seats. “Medyo pinoproblema namin ang mga guests namin! Happy problem hehehe.
“Inaayos ko, baka may limited run sa Gateway. Hoping na matuloy,” text sa akin ni Direk Perci.
Balak din ni Kokoy na imbitahin ang mga kasamahan niya sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya.
Happy si Kokoy dahil nakakagawa pa siya ng ganito kamapangahas na pelikula, pero ang ganda ng pagkakagawa ni Direk Jun Lana.
Ibang-iba naman ito sa mga ginagawa niya sa TV na nagpapatawa siya sa Bubble Gang, at malapit na rin siyang mapanood sa Running Man.