Heart Evangelista, nakaramdam ng lungkot sa ‘tough love” ni Chiz Escudero
Inilahad ni Heart Evangelista na nakaramdam siya ng kalungkutan noong ipakita sa kaniya ni Senator Chiz Escudero ang “tough love” para makapaghanda siya kung sakaling mawala ito sa mundo.
“You would think kasi na sa dynamics namin na bine-baby niya ako or anything, hindi siya ‘yung ganu’n na type. In a sense, he was very tough love, so I had to learn certain things in the real world outside our family,” sabi ni Heart sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes.
Inalala naman ni Senator Chiz ang pagpapakita niya ng tough love kay Heart.
“‘Tough love nga eh. Kailangang matutunan mo ito. Mas matanda ako sa ‘yo. Paano ka kapag wala na ako?’” anang senador.
Hanggang sa magkaroon na umano ng hinaing si Heart rito.
“Until one time, sinabi niya (Heart) ‘‘Yun nga ang point. Nandito ka pa, bakit ganiyan na? Hindi ba puwedeng pagdating na lang ng panahong iyon?’” saad pa ni Senator Chiz tungkol sa sinabi ni Heart.
“‘Yun ang hinanakit ko dati. You are teaching me how to live alone, and I’m so lonely. And that because you’re so tough, because you’re afraid that one day…” dagdag ni Heart, na nagsimulang maging emosyonal.
“One day if he passes and I’m left behind, then I’ll be alone. But I feel so lonely already now. So now na nandito ka, huwag mo naman masyadong ipatikim sa akin na mag-isa lang ako. Kasi alam ko naman na darating ‘yun,” pag-alala ni Heart na sinabi niya noon kay Chiz.
Ayon sa Kapuso fashion icon, ginagawa ito ni Chiz upang tumatag siya kung sakaling dumating na ang oras nito sa mundo.
“That’s why he was very tough, kasi he was trying to build my character, that I’ll be stronger when that time comes,” sabi ni Heart.
Ikinasal sina Heart at Chiz noong 2015.
Isinagawa naman nila ang kanilang renewal of vows noong nakaraang buwan sa Balesin, kasabay rin ng pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary at kaarawan ni Heart noong Pebrero 14.– FRJ, GMA Integrated News