Donita Rose, sinabing ‘virgin’ ang kaniyang naging asawa

Marso 5, 2024 11:40pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Masayang ibinahagi ni Donita Rose na ipinagdasal niya na magkaroon muli siya ng asawa. Peo isinama rin niya sa kaniyang hiling na “virgin” sana ito na kaniyang ikinagulat nang matupad. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, binalikan ni Donita ang […]

Donita Rose, sinabing ‘virgin’ ang kaniyang naging asawa

Donita Rose, sinabing 'virgin' ang kaniyang naging asawa thumbnail

Marso 5, 2024 11:40pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Masayang ibinahagi ni Donita Rose na ipinagdasal niya na magkaroon muli siya ng asawa. Peo isinama rin niya sa kaniyang hiling na “virgin” sana ito na kaniyang ikinagulat nang matupad.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, binalikan ni Donita ang mga pinagdaanan niyang pagsubok nang maghiwalay sila ng kaniyang unang asawa na si Eric Villarama noong 2016.

Inamin ng aktres na nakaranas siya ng depresyon at “nagtampo” sa Diyos sa kinahantungan ng kaniyang buhay may asawa.

“May tampo ako. I’ve been a Christian my whole life, I’ve been reading my Bible ever since I was a little girl. Nagtampo ako. And it’s not bad. Hindi naman ‘yun masama sa Panginoon kasi we can be ourselves,” sabi ng aktres. “‘Bakit ako, faithful naman ako sa ‘yo ‘di ba?’”

Pero sa huli, nagbalik-loob din siya sa Panginoon at lalo pang tumibay ang kaniyang pananampalataya.

At noong Pebrero 2022, nanalangin siya na bigyan siya muli ng asawa. Matapos ang ilang linggo, nakilala niya ang asawa na niya ngayong si Felson Palad.

“Parang nananaginip pa rin ako, hindi ako makapaniwala na may asawa na ako ulit,” sabi ni Donita.
 
Kuwento ng aktres, may listahan siya ng kahilingan nang ipagdasal na magkaroon ng bagong asawa.

“I have a prayer list, very specific. Sabi ko puwedeng pastor, puwedeng worship leader, dapat Pinoy or at least half. Dapat guwapo siyempre. Dapat matangkad pa sa akin, dapat siya ‘yung magiging breadwinner, kasi marami akong pinagdaanan,” natatawang sabi ni Donita.

Patuloy pa niya, “Dapat nakakatawa. Nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalain, sabi ko, ‘Lord sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad!”

Ayon kay Donita, nang nagsisimula na silang mag-usap ni Felson, nagtapat daw ito na “virgin” siya.

“When I met him and we started talking as friends, eventually we started dating. He said ‘May confession ako sa ‘yo. Virgin pa ako,’” pag-alala ni Donita na inamin sa kaniya ni Felson.

“Tapos hindi ko siya sinagot. Sabi niya ‘Bakit na-turn off ka na ba?’ Sabi ko ‘Alam mo ba na ‘yan ang prayer ko kay Lord, na hindi ko akalaing nakakatawa pala si Lord. Na kaya niyang sagutin pati ‘yung small things.”

Kaya malaki ang pasasalamat ni Donita sa buhay at muli siyang nakapag-asawa.

“Before Felson came around I was already complete. But the fact that I met a guy who loves God as much as I do, that’s where the dream is. Hindi ako makapaniwala na… Hindi ito panaginip, kasi we’re serving God together and we’re loving God together. There’s nothing better,” sabi ni Donita.

Ikinasal sina Donita at Felson Setyembre 2022.– FRJ, GMA Integrated News