Dominic Roque, umiwas pag-usapan ang breakup nila ni Bea Alonzo

Dalawang linggo matapos ang pinag-usapang breakup nila ni Bea Alonzo, balik na sa motorcycle challenge si Dominic Roque. Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa “24 Oras Weekend” nitong Linggo, sinabing sumabak si Dominic sa Boss Ironman Motorcycle Challenge, kasama si Jak Roberto. Humingi ng paumanhin si Dominic nang tumangging sagutin ang mga tanong […]

Dominic Roque, umiwas pag-usapan ang breakup nila ni Bea Alonzo

Dominic Roque, umiwas pag-usapan ang breakup nila ni Bea Alonzo thumbnail

Dalawang linggo matapos ang pinag-usapang breakup nila ni Bea Alonzo, balik na sa motorcycle challenge si Dominic Roque.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa “24 Oras Weekend” nitong Linggo, sinabing sumabak si Dominic sa Boss Ironman Motorcycle Challenge, kasama si Jak Roberto.

Humingi ng paumanhin si Dominic nang tumangging sagutin ang mga tanong tungkol sa breakup nila ni Bea.

Gayunman, sumagot naman ang aktor ng, “I’m good,” nang kumustahin siya.
 
Sa isang pahayag noong Pebrero 11, kinumpirma nina Dominic at Bea na tinapos na nila ang kanilang engagement. Una rito, inihayag ni Boy Abunda sa kaniyang programang “Fast Talk With Boy Abunda,” na kinumpirma ng kaniyang mga source na hiwalay na ang dalawa at hindi na matutuloy ang kasal.

Naging magkarelasyon sina Dominic at Bea noong 2021, at naging engaged noong nakaraang July. Nakatakda sana silang ikasal ngayong taon.

Gayunman, hindi inihayag ng dalawa kung ano ang dahilan kung bakit tinapos na nila ang kaniyang engagement.

Samantala, kasama ni Dominic na lumahok sa Ironman motorcycle challenge si Jak .

“Hindi mo alam ‘yung nasa daan, public road ‘to, may mga tumatawid na aso, pusa. S’yempre may mga lubak, may mga uneven roads, may mga madudulas,” kuwento ni Jak.

“Kailangan pag-aralan mo talaga ‘yung fundamentals ng bike and ‘yung skills na naho-hone na ‘yan on this kind of event,” patuloy niya. —FRJ, GMA Integrated News