Dennis Padilla, masaya sa ginawang pagbati sa kaniya ng anak na si Julia Barretto sa kaniyang kaarawan

Hindi itinago ni Dennis Padilla ang kasiyahan nang batiin siya sa kaniyang kaarawan ng kaniyang estranged daughter na si Julia Barretto. Sa ulat ng PEP.ph, sinabing inihayag ni Dennis ang pagsasalamat sa anak na si Julia sa video ni Senator Robin Padilla. “Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko,” ani Dennis […]

Dennis Padilla, masaya sa ginawang pagbati sa kaniya ng anak na si Julia Barretto sa kaniyang kaarawan

Dennis Padilla, masaya sa ginawang pagbati sa kaniya ng anak na si Julia Barretto sa kaniyang kaarawan thumbnail

Hindi itinago ni Dennis Padilla ang kasiyahan nang batiin siya sa kaniyang kaarawan ng kaniyang estranged daughter na si Julia Barretto.

Sa ulat ng PEP.ph, sinabing inihayag ni Dennis ang pagsasalamat sa anak na si Julia sa video ni Senator Robin Padilla.

“Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko,” ani Dennis na nagdiwang ng kaniyang ika-62 kaarawan.

Hinikayat din ng aktor ang publiko na paanorin ang pelikula ni Julia at Aga Muhlach.

“‘Yung movie ni Julia, palabas pa. Panoorin ninyo, kasama si Aga Muhlach, ‘Ikaw Pa rin ang Pipiliin Ko,'” pag-imbita ni Dennis.

Nawalay si Dennis sa kaniyang mga anak na sina Julia, Leon, at Claudia, matapos silang maghiwalay ng kaniyang dating asawa na si Marjorie Barretto.

Sa panayam noon kay Julia, sinabi ng aktres na “traumatized” siya sa kaniyang relasyon noon sa kaniyang ama.

Umasa naman si Dennis, na magiging maayos din ang relasyon niya sa kaniyang mga anak.

Taong 2007 nang maghiwalay sina Dennis at Marjorie. Inako ng aktor na siya ang may kasalanan. —FRJ, GMA Integrated News