Daniel, sariling desisyon na mag-birthday party!
Noong Linggo ay ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan sa Tanauan, Batangas. Dinaluhan ito ng malalapit na mga katrabaho, kaibigan at kapamilya ng aktor. Ayon sa inang si Karla Estrada ay si Daniel mismo ang nagplano upang magkaroon ng isang masayang selebrasyon. “I’m very happy actually. Siya ang punong-abala. Siya talaga ang […]
Noong Linggo ay ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang ika-29 na kaarawan sa Tanauan, Batangas. Dinaluhan ito ng malalapit na mga katrabaho, kaibigan at kapamilya ng aktor.
Ayon sa inang si Karla Estrada ay si Daniel mismo ang nagplano upang magkaroon ng isang masayang selebrasyon. “I’m very happy actually. Siya ang punong-abala. Siya talaga ang nag-decide na gawing (April) 28, but his birthday kasi 26th. I’m very happy and always proud sa anak ko,” nakangiting pahayag ni Karla.
Malaki naman ang pasasalamat ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla sa lahat ng mga patuloy na nagmamahal sa anak.
Para sa dating aktor ay talagang nasubaybayan niya ang mga napagdaanang pagsubok sa buhay ni Daniel. “Ang buhay ngayon, nararamdaman natin ang ups and downs, at the end of the day, ang makakasama mo talaga is pamilya mo and tunay na kaibigan. Nagpapasalamat ako para sa mga taong tumindig para kay DJ noong panahon na siya’s nasa baba. Doon naman sa hindi kami binigyan ng katahimikan, sana matapos na lahat ‘yon,” makahulugang pahayag ni Rommel.
Labis din ang pasasalamat ng aktor sa pagiging mabuting anak ni Daniel. “I’m very thankful sa Poong Maykapal. Walang guhit ang pasasalamat sa pagiging mabuti niyang anak, mabuting kaibigan,” dagdag pa ni Rommel.
Ara at Dave, nasa honeymoon stage pa rin
Magtatatlong taon nang kasal sina Ara Mina at Dave Almarinez. Ayon sa businessman ay pinaplano na nilang mag-asawa na bumuo ng sariling pamilya.
Mayroong mga anak si Dave sa dating asawa at may isa ring anak na babae si Ara sa pulitikong si Patrick Meneses. “Siyempre gusto naming magkaroon ng our own baby. Kung anong gender, tatanggapin namin. Kung ako ang tatanungin, gusto ko boy para may makapagmana ng apelyido ng pamilya ko. Both girls ‘yung anak ko kaya gusto namin ni Ara na boy naman. Excited ako, sana may mabuo na. If that happens, we’re very ready. She’s very ready. Top priority pa rin namin ang pamilya among others,” pagtatapat ni Dave sa ABS-CBN News.
Kahit abala sa pagiging negosyante ay sinisikap ni Dave na suportahan ang lahat ng mga ginagawa ni Ara. “Kabahagi lahat ng ginagawa ko ay si Ara. Super supportive ako lahat ng ginagawa ni Ara, sa passion niya sa showbiz. Nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin. Nagpapasalamat kami na marami pa rin siyang fans. Pero kung darating ang baby, ‘yon muna ang priority,” paglalahad ng businessman.
Ayon pa sa businessman ay parang nasa honeymoon stage pa rin sila ng aktres sa kahit matagal nang mag-asawa. “Mag-three years na, parang kailan lang. Nag-a-adjust pa rin. Nasa honeymoon period pa rin. ‘Yung sweetness, ‘yung romance, hindi nawawala ‘yon. That’s important, it’s important to keep the spark. Nararamdaman niya kahit wala akong sinasabi. Lumalabas ang pagka-sweet niya. Hindi mo kailangang magsalita. Sa tinginan at gestures lang,” pagbabahagi niya. (Reports from JCC)