Celeste Cortesi, pinakita ang daring side sa kanyang sexy assassin role

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon April 5, 2024 | 12:00am Pinainit ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang set ng GMA action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa kanyang bagong role bilang isang sexy assassin na si Diamond Ricci. Sa latest episode ng series, si […]

Celeste Cortesi, pinakita ang daring side sa kanyang sexy assassin role

Celeste Cortesi, pinakita ang daring side sa kanyang sexy assassin role thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

April 5, 2024 | 12:00am

Pinainit ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang set ng GMA action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa kanyang bagong role bilang isang sexy assassin na si Diamond Ricci.

Sa latest episode ng series, si Diamond ang pinakabagong addition sa listahan ng mga most wanted ni Police Major Tolome (Sen. Bong Revilla), matapos siyang magtangka sa buhay ng isang Commissioner habang nasa isang beauty pageant. Buong tapang namang hinabol ni Tolome si Diamond at sila ay nagtapat sa isang action-packed na labanan. Dito ipinakita ni Celeste ang kanyang katakot-takot na knife skills ngunit hindi pa rin umubra sa bagsik ni Tolome.

Bago ito, matatandaang na-meet na ni Tolome si Diamond sa birthday celebration ni Bunso (Jeffrey Tam) kung saan nagpanggap na isang sexy dancer si Diamond para mapalapit kay Tolome.

Ngayong nasa kustodiya na nina Tolome si Diamond, ano kaya ang makukuha nilang mga sagot mula sa assassin na ito? Abangan ang mga pasabog na revelations na ito and more sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, tuwing Linggo, 7:15 PM sa GMA Network.