Boobay, itinago sa kaniyang ama na isang sundalo na beki siya

Ibinahagi ni Boobay na high school student na siya nang maramdaman niya na nagkakagusto siya sa kapuwa niya lalaki. Pero itinago niya ito sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ama na isang sundalo. Sa isang episode ng programang “Sarap ‘Di Ba?,” sinabi ni Boobay na nagkaroon pa siya ng girlfriend noong second year […]

Boobay, itinago sa kaniyang ama na isang sundalo na beki siya

Boobay, itinago sa kaniyang ama na isang sundalo na beki siya thumbnail

Ibinahagi ni Boobay na high school student na siya nang maramdaman niya na nagkakagusto siya sa kapuwa niya lalaki. Pero itinago niya ito sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ama na isang sundalo.

Sa isang episode ng programang “Sarap ‘Di Ba?,” sinabi ni Boobay na nagkaroon pa siya ng girlfriend noong second year high school siya.

“Tapos parang ay… parang may something. Parang mas naano ako [attract] sa ano [lalaki],” balik-tanaw ni Boobay.

Hindi umano niya ipinaalam sa kaniyang mga magulang ang kaniyang nararamdaman at dumaan siya proseso at pagpapanggap lalo na’t sundalo ang kaniyang ama.

“Yung tatay ko sundalo so lagi siyang nasa destino. Kapag umuuwi ng probinsya sa amin sa Zambales nagpapanggap talaga na parang ano talaga ako [lalaki],” kuwento niya.

Tumagal ang kaniyang pagpapanggap hanggang kolehiyo kahit nagsisimula na siyang magtrabaho sa comedy bar sa Baguio.

Ayon kay Boobay, kapag umuwi siya sa Zambales mula sa Baguio, tuloy ang pagpapanggap niya na lalaki siya.

“Minsan nag-iisa ako, ‘Anong gagawin ko. Ano ba lalabas ko na ba ‘to sa tatay ko?’ May mga ganun ako sa tatay ko,” ani Boobay.

Bagaman hindi siya direktang nag-out sa kaniyang ama, sinabi ni Boobay na tinapik lang siya ng kaniyang ama pagkatapos ng graduation niya sa college at nagkaintidihan na sila.

“Pagkatapos ng graduation, wala kaming usap-usap talaga, bigla niya lang akong tinap [tap] ganyan [sa balikat] tapos nakipag-eye to eye siya sa akin. Tapos sabi niya, It’s a tie,’” biro ni Boobay

“Kidding aside tinap niya lang ako, ‘ah okey.’ Proud daw siya sa akin,” dagdag ni Boobay.

Matapos noon, naging open na raw siya sa kaniyang ama pero hindi naman daw “loud na loud.”

Nauunawaan naman daw ni Boobay na maaaring nakaramdam lang ang kaniyang ama ng takot para sa kaniya dahil sa mga kung ano-anong sinasabi tungkol sa mga beki.

“Sabi ko, ‘Hindi. I’ll make him proud [of me],” sabi ng komedyante.

Wala naman daw siyang problema sa kaniyang ina na very supportive sa kaniya.

Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin si Boobay sa kaniyang pamilya na hindi niya ipinaalam kaagad ang lagay ng kaniyang kalusugan noon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

BASAHIN: Boy Abunda, sinabing nakaranas ng ‘silent seizure’ ni Boobay sa ‘FTBA’

“Huwag kayong mag-aalala kasi magpapalakas ako para sa kanila. Kasi alam ko no matter what nandiyan sila, bumababa man ako o tumaas nandyan sila,” sabi ni Boobay.

Napapanood ngayon si Boobay, kasama si Tekla sa kanilang “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo sa GMA.– FRJ, GMA Integrated News