Beautéderm founder Rhea Tan nagbigay ng tulong sa mga Kasuso
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon March 19, 2024 | 12:00am Binisita ng Beautéderm founder at chairwoman Rhea Tan ang mga beneficiary ng Kasuso Foundation upang ianunsyo ang kanyang cash donation kamakailan. Kasama ni Ms. Tan ang Beautéderm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Darla Sauler, VG Alex Castro, Ynez Veneracion, Anne […]
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon
March 19, 2024 | 12:00am
Binisita ng Beautéderm founder at chairwoman Rhea Tan ang mga beneficiary ng Kasuso Foundation upang ianunsyo ang kanyang cash donation kamakailan.
Kasama ni Ms. Tan ang Beautéderm ambassadors na sina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Darla Sauler, VG Alex Castro, Ynez Veneracion, Anne Feo, Sunshine Garcia, Alynna, Rochelle Barrameda, Thou Reyes, DJ JhaiHo, KitKat, Teri Onor, at Councilor Wency Lagumbay.
Spotted din sa ‘Quarterly Christmas’ event ng Kasuso Foundation ang Kapamilya star Gillian Vicencio, Sparkle artist Kimson Tan, at ang board of trustees member ng foundation na si Ogie Diaz.
Sa isang pahayag, saad ng skincare executive, “Beautéderm’s mission is to give people hope. I hope everyone will see the joy in helping others and do the same. People should start caring for others.”
Dagdag pa niya, “What I love about Kasuso Foundation is its commitment. This partnership is not confined to a single event but represents a long-term commitment to transforming lives. Patuloy kong ipinapanalangin ang cancer patients. I pray for their strength and hope. Thanks to Sir Ogie for making these things happen.”
Sa nasabing event, nagbigay din ng words of encouragement ang celebrities, at nag-offer ng performance.
Patuloy sa paggawa ng impact sa ibang tao ang Beautéderm boss.
Kamakailan din ay nagbigay siya ng inspiring speech para sa Air Asia’s Women’s Month celebration.
“We can overcome challenges and create a brighter future together. May this partnership continue to have a meaningful impact on the lives of these cancer patients,” pagtatapos ni Tan.