Anne, nalungkot sa lumusot na resort sa Chocolate Hills

SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon March 14, 2024 | 12:00am Kabilang Anne Curtis sa nalungkot na mayroon na palang resort sa Chocolate Hills sa Bohol. Tweet ni Anne: “Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country” Makikita nga […]

Anne, nalungkot sa lumusot na resort sa Chocolate Hills

Anne, nalungkot sa lumusot na resort sa Chocolate Hills thumbnail

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

March 14, 2024 | 12:00am

Kabilang Anne Curtis sa nalungkot na mayroon na palang resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Tweet ni Anne: “Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country”

Makikita nga sa nasabing viral video ang malaking swimming pool sa gitnang bahagi ng Chocolate Hills at may cottages pa.

Nag-agree rin si Anne sa komento ni Senator Nancy Binay na “nakakagalit at nakakadurog ng puso ang nakita nating mga nakatayo nang resorts sa mga paanan mismo ng Chocolate Hills.

“Sa unang tingin pa lamang, alam na nating may mali.

“Kung ang mga ahensya ng gobyerno na may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan ang Chocolate Hills ay may pro-environment mindset, ang tanong po natin, bakit nakapagpatayo ng resort at mayroon pang cottages at swimming pool sa isang ‘classified natural monument’ sa ilalim ng NIPAS (National Integrated Protected Areas System), at isang protected UNESCO geopark?”

Aww paano nga bang nagawa ‘yun na hindi napo-post sa social media?