Aktres, sinita ang aktor sa pakikipaglandian sa kanyang mister!

Usap-usapan ang isang aktres na may duda sa kanyang partner na head ng production at kinompronta ang isang aktor ng “Are you flirting with my husband?” My goodness, nagulat ang aktor at ang produksyon, sinabi na lang na hindi na nila kukunin ulit ang aktres na ito na may reputasyon na palaaway. Kapamilya Stars, nagsama-sama […]

Aktres, sinita ang aktor sa pakikipaglandian sa kanyang mister!

Aktres, sinita ang aktor sa pakikipaglandian sa kanyang mister! thumbnail

Usap-usapan ang isang aktres na may duda sa kanyang partner na head ng production at kinompronta ang isang aktor ng “Are you flirting with my husband?”

My goodness, nagulat ang aktor at ang produksyon, sinabi na lang na hindi na nila kukunin ulit ang aktres na ito na may reputasyon na palaaway.

Kapamilya Stars, nagsama-sama para kay Mr. M

Nagkaroon ng Night of 100 Stars para kay Mr. M o Johnny Manahan at nandun ang best and the brightest stars ng ating industriya.

Ang gandang makita ang mga posteng tulad nina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at nandun pati na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Claudine Barretto, Jericho Rosales at maraming maraming iba.

Nandu’n din ang mga Kapuso nang sina Bea Alonzo at Heart Evangelista.

Ang tanong: Gagawan din kaya ng GMA ng ganitong pagpaparangal at pagpapahalaga kay Mr. M?

Piaya… at Pushcart… wagi sa Cinepanalo Filmfest!

Winner ang Under A Piaya Moon at Pushcart Tales sa Cinepanalo Film Festival, at in fairness, maganda ang feedback sa mga pelikulang ito.

Ngayon nakikita na puwedeng makatulong ang ganitong commercial intrusion sa pag-boost ng dami at kalidad ng mga pelikulang Pilipino?

So ito na ba ang bago at effective na paraan na pag-a-advertise na tanggap ng industriya? Darami pa ba ang sinehan na puwedeng pagpalabasan ng mga pelikulang ito?

Marami kayang magsusunuran na brands na gagawa ng ganito?

We’ll see.

Aos, mala that’s… ang anniv celeb!

Very That’s Entertainment Saturday edition ang anniversary ng All-Out Sundays.

Malalaman natin – successful ba ang mga voting at QR Codes? World Class ba talaga ang level ng performances?

After this, tataas na ba ang premium ng performers at magiging in demand na?

Harinawa!

Nakakata-quote:

Noong isang linggo , nang matanong ang Megastar Sharon Cuneta kung ano ang kanta na ide-dedicate niya sa mga aktor na naugnay sa kanya.

Heto ang sabi niya : “Gabby Concepcion – Hika ang inabot ko nang piliting sumabay sa’yo. Huwag niyo nang itanong sa akin. Richard Gomez – Forever in my heart. Forever here you’ll be! Robin Padilla – Friends we will be now and forever. Friends so in love with one another.”