Zanjoe, puring-puri ng pamilya ni Ria

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon April 2, 2024 | 12:00am Mayor Joy Belmonte, Ria Atayde at Zanjoe Marudo Aminado si Sylvia Sanchez na unang kita pa lang niya na magkasama ang anak na si Ria Atayde at mister na nito ngayong si Zanjoe Marudo, alam na raw niyang magkakatuluyan sila. Mother instict […]

Zanjoe, puring-puri ng pamilya ni Ria

Zanjoe, puring-puri ng pamilya ni Ria thumbnail

Zanjoe, puring-puri ng pamilya ni Ria thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

April 2, 2024 | 12:00am

Mayor Joy Belmonte, Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Aminado si Sylvia Sanchez na unang kita pa lang niya na magkasama ang anak na si Ria Atayde at mister na nito ngayong si Zanjoe Marudo, alam na raw niyang magkakatuluyan sila.

Mother instict ayon sa actress. “Walang hanggang pasasalamat Panginoong JESUS dahil binigyan mo ng napakagandang regalo ang aking si Potpot @ria ng isang napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao. Unang araw ko kayong nakitang magkasama alam ko ng kayo ang magkakatuluyan. Naramdaman ko yan Mother instinct  @onlyzanjoemarudo mula noon welcome ka na sa pamilya namin  ginawa mo ng official noong 3-23-24

Sabi nga ng Daddy @xaviiart mo sa speech nya, ang aming pangatlong lalaking anak Kaya officially welcome to the Family Z anak Ang saya saya ng puso ko . I love you both so much Mr&Mrs Zanjoe Marudo.  This is truly a Happy Easter Sunday to Remember.”

Ikinasal sina Zanjoe at Ria ni Mayor Joy Belmonte noong March 23.