Lani Mercado obsessed kay Hyun Bin, ultimate wish na maka-travel sa Switzerland

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon April 2, 2024 | 12:00am May ultimate birthday wish si former actress now Rep. Lani Mercado. Ang magka-travel sa Switzerland. Fifty six na siya this April 13. Ang rason : head over heels siya sa kuwento ng Korean drama series na Crash Landing On You. At love […]

Lani Mercado obsessed kay Hyun Bin, ultimate wish na maka-travel sa Switzerland

Lani Mercado obsessed kay Hyun Bin, ultimate wish na maka-travel sa Switzerland thumbnail

Lani Mercado obsessed kay Hyun Bin, ultimate wish na maka-travel sa Switzerland thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

April 2, 2024 | 12:00am

May ultimate birthday wish si former actress now Rep. Lani Mercado.

Ang magka-travel sa Switzerland. Fifty six na siya this April 13.

Ang rason : head over heels siya sa kuwento ng Korean drama series na Crash Landing On You.

At love na love niya si Hyun Bin, ang bidang lalaki sa kuwento nito.

Pero hindi pa raw ito matutupad anytime soon. “Baka next year pa. ‘Wag daw muna ngayon. Ang daming ganap sa buhay ni Sen. Bong (Revilla).

“Kung ako lang ‘yan, umalis na ako.”

At pinaghahandaan niya ang nasabing trip kung sakali sa Switzerland. “Siyempre may pictorial, may outfit of the day (OOTD),” sabay tawa ni Rep. Lani.

Si Hyun Bin lang talaga ang crush niya na leading man ni Son Ye-jin na sa totoong buhay ay kasal na at may isang anak. Nag-celebrate sila ng second anniversary kahapon.

Sa nasabing Korean drama sila nagka-inlaban.

Matapos ngang mapanood sa nasabing Korean series ang mga eksena na kuha sa isang pier sa Switzerland, Iseltwald, malapit sa Interlaken, central Switzerland, dinagsa na ito ng mga turista from other Asian countries.

Talaga raw bus bus kumbaga ang dumarayong turista doon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

At ganun siya. Grabe ang pagka-faney niya sa Korean actor.

Dumating daw siya sa punto na may standee siya ni Hyun Bin sa bahay na nasa likod niya pag nagtatrabaho siya. “’Di ba nagkaroon ng work from home? So, nandu’n siya (Hyun Bin’s standee), nagpe-paper work ako, para siyang bodyguard ko sa likod,” natatawa niyang kuwento kahapon sa ilang ka-lunch na entertainment press.

Nanghinayang nga siya na hindi natuloy ang fan meeting nito sa Pilipinas.

Tulad tulad sa marami, naadik si Cong. Lani sa Korean dramas noong panahon ng COVID.

Samantala, inamin niyang nami-miss na rin niyang maging artista.

Pero hindi naman aniya comeback project. “Parang gusto ko lang gumawa. Nakaka-miss gumawa ng teleserye o hosting job. Nung COVID hindi ko talaga kaya kasi may lock-in noon. Pero ngayon oki na.”

Pero mga special participation lang, ayaw niya ng main character kumbaga.

At ayaw niyang magkapa-daring.

Aniya ‘yun lang malapit sa age niya ang character. “Basta ang gusto ko ‘yung magandang project ‘yung may laman. May relevance.”

Basang Sisiw pa ang last project niya (TV series) more than ten years ago.

Samantala, ang daming nakapilang event para sa birthday ni Rep. Lani.

Pero ang pinaka-highlight ay ang G na G with Ate Lani birthday concert with Itchyworms and Flow G sa NOMO parking lot, sa mismong birthday niya sa April 13.